On Being an ‘Ate’ (Eldest Sister)

“Para kanino ka bumabangon?” (For whom are you getting up?) This is a tag line from an advertisement of a known coffee brand; and it keeps on resonating in my head as I wake up each night when I have to go to work on a night shift. Being new to this kind of work schedule, I admit that I really suffer from too much stress and even depression. I would sometimes go home, stare blankly on the wall and would break down crying even if I can’t really point out the reason why. And I won’t stop crying until my head feels terribly ill. I then realized that after a couple of years working for my family, at some point, I would ask myself why I am doing this and what keeps me going. I’m not sure if my siblings could realize the sacrifices that I have to make in order to fully support them and lessen the burden of our parents; some people would tell me that this is not my responsibility but- I just love my family. I love them so much that I wanna make life easier for them; even if it would cost me to sacrifice my own dreams, my health, etc. I was compelled to support them instead of pursuing the things I want because I want them to pursue theirs. As an ate, supporting them will be the least that I can do and I am just so proud with what they’re now achieving on their academics- for me, it is more than rewarding. And I can’t help but thank the Lord with all the strength He’s giving me and the assurance that whatever season I may be, He loves me. Which is why even if I’m tired and almost wanting to give up, just one call to the Him, He’s always there to give me a powerful hug, wipe away my tears and lift me up.

#fambam

Sa tinagal-tagal at sa hinaba-haba ng panahong palagi kong kasama ang aking pamilya ay hindi man lang namin nagawang magpakuha ng larawan na sama-sama. Maraming beses ko nang binalak na magpakuha ng family picture simula pa lamang noong ako ay high school. Naalala ko noon, nagkaroon kami ng project at kailangan kong maglagay ng family picture. Ngunit dahil nga sa wala naman kaming ganoon, naghanap na lamang ako ng pictures ng bawat isa sa aming pamilya at pinasama-sama iyon sa isang illustration board. Habang nakikita ko ang ilan sa aking mga kaklase na nagpapasa ng kanilang project na may buo at masayang larawan ng kanilang pamilya, nalulungkot ako at naiisip kung kailan ba kami magkakaroon ng ganoon. Kahit simpleng picture lang na buo kami, kahit malabo pa iyan basta kumpleto.

April 25, 2015. Kami ay nagpunta sa lugar ng aking mga lolo at lola sa Batangas. Kapyestahan doon ng araw na iyon kaya inimbita kami ng ilan sa aming mga kamag-anak na pumunta doon. Sa tinagal-tagal rin ng panahon ay hindi pa namin nagagawang pumunta sa isang lugar o okasyon na buo kami. At ngayon na lang ulit nangyari iyon. Hindi maipaliwanag ang aking saya at bakas din iyon sa mga mata ng aking ina habang tinitingnan nya kaming magkakapatid na magkakasama sa likod ng sasakyan, nagkukwentuhan at nagkukulitan na parang mga batang ngayon lang ulit nagkasama-sama matapos ang mahabang bakasyon. Sa maikling pananatili namin sa aming mga lolo at lola ay napakaraming bagong alaala ang muling nagawa. Bumisita rin kami sa ilang mga kamag-anak na ngayon ay hindi na kami makilala dahil kami ay malalaki na at sila ay matatanda na. Ang ilan ay hindi na rin kaya pang lumabas pa ng bahay dahil sa katandaan at hindi na rin kami makita dahil malabo na ang mata. Ngunit hindi matatawaran ang walang humpay na pagpapakilala at kuwentuhan sa mga kaganapan sa kanya-kanyang mga buhay. Bakas sa aking mga magulang, mga tito at tita, lolo at lola ang labis na tuwa sa muling pagkikitang iyon. Walang humpay na picturan, kainan at tawanan.

Ako rin, taon taon ko nang aabangan ang mga pagkakataong gaya noon. At mas madalas na rin akong maglalaan ng panahon sa aking pamilya, lalo na kina lolo at lola! 🙂

#fambam#fambam

#fambam#fambam