Ikaw Pa Rin

Ikaw Pa Rin

Natapos ang mga matatamis na tagpo
sa ating kwentong tila sa mga telenovela.
Ang prinsipe’y iniwan na ng kanyang prinsesa
at ang ngiti sa kanyang mukha ay kanya ring dinala.
Aaminin ko, magmukha man akong tanga sa paningin mo
ay hindi ito matatapos dito.
Hindi ko hahayaang itago lang ang sakit na nadarama.
Tanga na kung tanga pero aaminin kong ikaw pa rin.
Ikaw pa rin ang laman ng isip sa paggising sa umaga,
umaasa na mensahe mo pa rin ang bubungad sa aking mga mata.
Ikaw pa rin ang naaalala sa mga pahina ng aklat na aking binabasa,
ikaw pa rin ang bida sa bawat kwento
at ang pinakamaganda sa lahat ng paglalarawan dito.
Mga tinig mo pa rin ang naririnig
sa tuwing pakikinggan ang paboritong awitin.
At sa tuwing bubuksan ang mga bintana’y
tila mga labi mo pa rin ang ngumingiti sa akin,
amoy mo pa rin ang nasasamyo sa hangin.

Ikaw pa rin.

Hindi ko alam kung mapapalitan pa
o gugustuhin ko mang magbago ang nadarama
ngunit ikaw pa rin.
Ikaw pa rin ang nais kasalo sa umaga, tanghali o sa gabi,
ang pupukaw sa aking isipan kasabay ng mainit na kape.
Katambal ng dasal na sana palaging ikaw ang nasa tabi.
Ang hahawak sa aking mga kamay at magsasabing, “tama na yan,
“magpahinga ka naman.”
Gayong ikaw lamang ang dahilan ng pagkapagod ng aking isipan.
Ngunit ikaw rin ang pahinga, ikaw pa rin ang dahilan ng bawat paghinga.
Ikaw pa rin ang mga bituin ko sa gabi,
ang araw sa umaga at ang haplos sa aking mukha.
Na kung saang direksyon man ako tumingin, larawan mo pa rin,
sa kaliwa, sa kanan, sa likod maging sa aking harapan,
larawan mo pa rin ang nakaukit sa aking isipan.

Tunay na napakahirap mong pakawalan
at hindi ko matitiyak kung kailan,
kailan matatapos ang dalamhati, kailan maibabalik ang mga ninakaw na ngiti?
Kailan mabubura ang mapait na alaala
at maiiwan ang tamis, ang saya, ang mga panahong tayo lang ang bida,
walang siya, walang sila.
Tila napakalupit ng tadhana,
matapos nyang ibigay sa akin ang daigdig,
iabot ang mga bituin at mga ulap,
bigla naman nyang kinuha sa akin ang lahat.
Ang lahat na akala ko’y pangmatagalan,
ang lahat na napakasaya at tila walang katapusan.
Ang lahat na hanggang ngayon ay sentro at dahilan ng aking mga pangarap.
Ikaw pa rin ang lahat sa akin.

Matapos man ang tulang ito, natitiyak kong
hindi pa rin matatapos ang taghoy ng pusong sugatan,
ang tangis ng pusong iniwan.
Hindi pa rin matatapos ang pagmamahal.
Isa lamang ang aking hinihiling,
hindi ang makalimot at gumaling sa sakit na nararamdaman.
Isa lamang, Mahal – ang hindi mo pagsisihan
ang lahat ng ating pinagsaluhan,
ang mga oras na ibinuhos sa isa’t isa, ang mga tulang isinulat,
ang mga liham at mga kanta.
Huwag mo sanang pagsisihan ang pagmamahal na minsa’y ipinadama
sa isang tulad ko na walang ibang alam gawin
kundi ang pasayahin at mahalin ka.

Huwag kang mag-alala,
babaunin ko ang lahat ng alaala, lahat ng sakit,
pait at sugat na dulot nang mahalin kita.
Lalo na ang mga lugar kung saan nakaukit ang ating pangalan,
at mga pangakong ngayo’y nakalimutan at naglaho na.
Ipagdarasal ko pa rin sa Maykapal na pasayahin ka,
na huwag mapawi ang ngiti sa iyong mga mata.
Patawarin mo ako kung hanggang ngayon ay ikaw pa rin.
Ipinapangako kong darating ang araw na matututunan kong makalimot,
matututunan kong maging masaya at mahalin ang sarili.
Mahal, sa muli nating pagtatagpo ay napatawad na kita
sa hindi mo paglingon at napatawad ko na rin ang aking sarili
sa labis na pagluha at hindi ko paghinga.

Ngayon, ikaw pa rin ngunit alam kong isang araw
ay gigising akong, tapos na.

Advertisements

Nahanap mo na ba ang One True Love mo?

Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, hindi mo alam kung nakilala mo na ang taong nakatakda para sa’yo. Kung nakausap mo na ba s’ya o nasilayan man lang, o di kaya’y nakasabay sa jeep o bus o tren. Ngunit sa libo-libong tao na makakasalamuha natin, may isa doon na magpapatibok ng puso mo – ang magpapatigil ng mundo mo, magpapabagal ng bawat minuto at kaisa-isang huhuli sa paningin mo.

Oooooops! Iyan ang whimsical version, of course.

Processed with VSCO with c1 preset

Isang libro ang humuli sa atensyon ko (the blog title is the book title as well), ibinigay sa akin ng isang mabuting kaibigan. Isinulat ito ni Bro. Bo Sanchez, isang inspirational speaker. At dahil sobrang dami kong natutunan matapos basahin ito, hayaan nyo akong ibahagi ang ilan sa mga ito.

8 Steps to Attract God’s Best for the Single Person:

Step #1: Maging responsable sa paghahanap ng iyong One True Love. When I read this book, maraming lumang paniniwala ang nabasag sa utak ko – as in marami. Pumasok kaagad sa utak ko ang linyang, ‘True love waits.’ Pero girl, kung maghihintay ka lang, uupo at walang gagawin – ni hindi makikipag-usap sa opposite gender, tingnan natin kung may darating nga ng basta-basta. Baka may forever – forever waiting. Lumabas ka rin sa iyong lungga.

Step #2: Alamin mo kung ano ang pumipigil sa’yo. Sabi ni Bo, identify your internal blocks and self-imposed prisons of fear. Kailangan mong alamin kung ano ba talaga ang gusto mo; mag-asawa o stay single, mga ayaw mo at mga pumipigil sa’yo kung bakit hindi ka pa pumapasok sa isang exclusive relationship.

Step #3: Talk to lots of guys. May na-realize lang ako na isang bagay matapos kong basahin ang step na ito; karamihan sa mga single kong kaibigan na nasa late 20s, early and late 30s na ay puro babae rin ang mga kaibigan at nakakausap o nakakasama nila on a daily basis. Matindi ang kanilang paniniwala na someone out there is meant for them; well, totoo naman. Pero paano nila ito makikilala? Marami sa kanila, ayon kay Bo, ay tatlong lugar lang ang pinupuntahan; office, bahay at prayer meeting. Expand your search area! Based on experience, though nasa early 20s pa lang naman ako, marami akong natututunan about guys through talking to lots of them.

Step #4: Lumabas ka on friendly dates hangga’t maaari. DATE is always a big word especially in a church setting. Sabi nga ni Bo, it is always perceived to as ‘romantic’. Personally, I go out to friendly dates from time to time. Hindi naman kasi palaging dalawa lang kayo, pwede ring group date. And besides, dating is not only for exclusive partners or those in a relationship. Kung hindi ka comfortable sa term na date, suggestion ni Bo is to call it chats over a cup of coffee.

Couple drinking coffee in cafe by Gable Denims on 500px

Step #5: Be attractive. Ito ang pinaka-paborito ko sa lahat ng steps na sinabi ni Bo (pero mas gusto ko talaga yung last). He included the top 11 attraction secrets. First, feel you’re beautiful. Sabi nga nila, what you think of yourself will also be the world’s perception of you – narinig/nabasa ko somewhere, nakalimutan ko lang kung saan galing o kung sino nagsabi. Self-explanatory naman, ‘di ba? Isipin mong maganda ka and the whole world will agree with you, and of course, vice versa. I’ll skip attraction secret 2, basahin nyo na lang sa libro. The third one is be happy. Simple lang. Makaka-attract ka kaya kung lagi kang nakasimangot? Fourth, be friendly. I always apply this one but I make it sure na genuine friendliness naman. Number 5 – uh, basahin nyo na lang din sa libro, same with 6 and 7. Moving on with eighth, be yourself. Hindi maganda if we give them a fake show. Show to people who we really are; our best self and don’t hide our flaws, we are not perfect. The ninth, sabi ni Bo, be as pretty as you can be. Pero dapat natural lang, hindi rin maganda na sobra ang kolorete sa mukha. Manamit rin ng kaaya-aya at kagalang-galang. Simplicity is beauty. Attraction secret 10 – secret. Again, basahin sa libro. Sure ako, matutuwa kayo lalo na sa mga examples ni Bo. The last attraction secret is for the men – be a real man!

Step #6: Alamin kung ano ang gusto mo sa isang asawa (because you get what you settle for). Warning: for mature singles only. Kung bata ka pa (tulad ko), huwag mo munang isipin ito. Sa mga mature singles, payo ni Bo ay mag-lista kayo ng non-negotiables ninyo ang stick with it!

Step #7: Enter into courtship. Paano ka magkakaroon ng exclusive relationship kung hindi ka naman magpapaligaw? (For the men – manligaw huwag puro paramdam; clarity of purpose) Kapag binasa nyo sa libro, may mga inilista pang mga actions si Bo. 😉

Step #8: Trust God and enjoy life. I will put the exact words written on the book:

  1. Bago mo pa gawin ang lahat ng makakaya mo, magtiwala ka sa Diyos.
  2. Habang ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo, magtiwala ka sa Diyos.
  3. Pagkatapos mong gawin ang lahat ng makakaya mo, magtiwala ka sa Diyos.

Whatever you do, whatever happens, trust God. He is with you, always (Joshua 1:9). May naalala lang akong joke ng isang kaibigan:

Ano daw ang prayer ng isang single (woman) on her 20s? Lord, give me my perfect man.

E kapag on her 30s: Lord, give me my man.

On her 40s: Lord, give me naman.

And on her 50s: Lord naman!

Sorry, I don’t know if na-gets nyo o nakuha ko ng tama ang joke pero ganyan ang context. Anyway, God is not an ATM machine. Faith without action is dead sabi nga sa book of James. Our prayers should always be accompanied by actions and vice versa. So, that’s it. I encourage you to read the book. Marami kayong matututunan at mababasag na mga myth, swear. God bless, singles at nawa’y mahanap ninyo (natin) ang One True Love ninyo. Happy love month! ❤

Ask Clauie: Wednesday Edition

Dahil sa isang grupong nabuo (online), nag-uusap at nagkukumustahan (online), nagbabahagi ng kanilang mga buhay (online), nagkaroon kami ng panahon upang kilalanin ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagtatanong sa bawat miyembro ng grupong ito tuwing Miyerkules na tinawag naming, “Ask Wednesday.”

lalalalalalalalalaala

Ito ang ilan sa kanilang mga katanungan sa akin:

Q: Normal or caesarian ka ba nung ipinanganak?

A: Normal po.

Q: Anong pinakapaborito mong movie at libro?

A: Spiritually speaking, Bible. Pero when it comes to novels, favorite ko yung book written by Nicholas Sparks, A Walk to Remember. Everytime I read that, iniiyakan ko pa rin.
Movie – Bridge to Terabithia. Sobra akong naka-relate dahil sa bullying part. Hehe

Q: Ano ang maibibigay mong tips sa mga students na gustong magtapos na Cum Laude gaya mo?

A:   1. Let God flow in your life.
       2. Set your Goal: Maging Cum Laude or even higher
       3. Pray
      4. Study smart
      5. Focus on achieving your goal
      6. Make friends, participate on activities
      7. Develop your soft skills
      8. Believe in yourself and to the best version that you could ever be

Q:  Bakit ka single?

A: Because it is not the time yet to fall in love. Nasa season pa ako ngayon ng growth, pruning, and maturity. Not just in spiritual, but also mentally, emotionally and financially. Single by choice ika nga. 😉 #breadwinner Ate duties and ministry duties muna. God and families’ love are still enough. 🙂

Q: How do you see yourself 5 years from now?

A: Hindi na ako single. 😛

Q: Ano ang mas masakit, ikaw ang nang-iwan o ikaw ang iniwan?

A: Depende siguro sa situation kung bakit nangyari yun. If iniwan ka tapos ginawa mo naman lahat, masakit yun. Pero masakit din ang mang-iwan ng taong wala namang ginawang masama sayo. Unless wala kang puso, damdamin at konsensya. 🙂

Q: Mahilig ka ba sa mga hayop (aso, pusa, ibon)?

A:  I like doooooogs. Either, sobrang liit (shih tzu and the likes) or sobrang laki (husky).

Q: Bakit ang tagal mong nag-online ngayon? Late ka ba nagising o umiiwas ka sa #AskClauie o none of the above?

A: Late po ako nagising. Hahaha. 10am na. Napa-online ako sa SMS mo.

Q: Bakit di ka crush ng crush mo?

A: Ewan ko nga ba. Hindi nya kasi alam na crush ko sya. Hahaha. Pero at least kilala nya naman ako. 😛

Q: Anong mas masakit yung iwan ka ng taong mahal mo o yung mabangga yung daliri mo sa paa sa pader?

A: Mas masakit siguro yung iwan ako ng taong mahal ko. For me, emotional pain is more painful than physical. Mas madali kasing gumaling ang physical pain compared to emotional e. 🙂

Q: Bakit di mo crush ang may crush sayo?

A: E kasi hindi rin ako crush ng crush ko e. Para patas lang. 😀

Q: Kumakain ka rin ba ng ice cream kapag bagong bunot ng ngipin?

A: Hindi ko maalala kung nagawa ko yun e. Pero feeling ko naman binilhan nila ako ng icecream. Hehehe

Q: Mahilig ka ba sa desserts?

A: Yesss! Pero depende sa desserts e. Choosy ako. Haha

Q: Saan mo gustong sumulat, sa ingles o sa tagalog?

A: I prefer writing in English kasi hindi lang naman Pinoy ang blog followers ko. Tsaka int’l audience talaga ang target ko sa mga blog posts ko kaya rin most of my entries are in English. Though hindi naman ako magaling mag-English. So so lang. Hehe

Q: Kung pagbabawalan kang sumulat, ano na lang ang iba mong gagawing expression?

A: Ire-record ko na lang sa Soundcloud.

Q: Eto pa pahabol… Sino ba yong crush mo? Full name please.

A: Wahahaha. Next question, please.

Q:  Beer? Wine? Hard liquor? Why?

A: Wine, para good for the heart.

Q: Ano ang favorite color mo?

A: White and pink and black. Colors pala.

Q: San ka mag-spend ng Christmas?

A: Sa Batangas! With my family and relatives sa mother side. 😉

Q: Ano ang ilan sa mga nasa wishlist mo ngayong pasko?

A: 1. Celebrate Christmas with my lolo and lola in Batangas.
     2. Makapag-shopping for my family and closest loved ones.
     3. Makapagpa-facial. Hahaha

Q: Mataas ba yung standards mo pag dating sa guy? I mean, marami akong kilalang single na tumanda talaga dahil isa sa mga factors nila ay yun nga, mataas yung standards. Hahaha. And ano yung standards/qualifications?

A: Uhm, yes, I have standards. Pero hindi ko kasi alam kung mataas sya or what. Pero isa lang ang masasabi ko, women are valuable. Yes, we set our standards and we should not lower it for the sake lang na magkaroon ng relationship. Some people are called to Singlehood, pero hindi nila ine-embrace yung calling na yun, at ni hindi rin nila alam kung ano yung calling. Some would say, mataas ang standards ko, pero siguro it’s because I knew what my value is in the eyes of the Lord and I learned a lot from my past relationships. At ayoko na ulet maulit na ma-devalue just for the sake of having a relationship without even thinking about it. 🙂

Standards ko? I have a loooong list to go pero, I believe na nadadaan ang lahat sa prayers. If the Lord says, he is the one, then he is the one. 😉

Q: Would you change religions kung sakaling ibang religion ng taong papakasalan mo?

A: Religion for me is a group kasi e. I could still have my faith without a ‘religion’ because I believe that what matter is our relationship to the One we believed in. And I just know that all things work together for those who love God. For sure hindi naman ako mapupunta sa taong hindi maiintindihan ang mga ganoong bagay. O kung magka-ganun man, I won’t change my faith in any sorts. As long as I believe in God and Jesus, kahit saang church pa ‘yan, ok lang. 🙂

Q: Ano ang mas matimbang? Katalinuhan o kagandahan?

A: Katalinuhan. Smart is the new beautiful.

Q: Proudest moment?

A: Whenever I stand on my ground kapag mina-mock ako ng mga relatives ko because of my faith. 🙂

Q:  Kung magtravel ka back in time, saang panahon mo gusto bumalik? 

A: Sa time nila Abraham/Moses. When God’s voice is so audible and He still shows Himself to those who truly believes.

Q: Your life verse?

A: Psalm 37:4

Q: Message to your future self?

A: Hi Clauie! Good job.

Q: Message to your future partner?

A: Hey! Chill ka lang dyan. God is still working on something in me. Don’t worry, I know that when He officially revealed us to one another, that would be a greater chapter in our lives. See you soon!

Q: Message to PSA?

A: I am so happy to be part of this family! I am looking forward doon sa time na lahat tayo ay hindi na single. Tapos aalalahanin natin yung mga panahong napaka-active natin sa chatbox talking about random things, at yung mga panahong nakilala natin ang isa’t isa ng mas malalim dahil sa #AskWednesday and how we really supported each one with our craft. You are amazing guys! See you all, soon. 😉

Q: Message to your crush?

A: Hi crush! Wala akong masabi. Hehehe. I hope to know you deeper. Salamat kasi dahil sa’yo, nakakabuo ako ng mga tula kahit hindi mo alam. 😉

Q: Read this from somewhere: “If you have two words to say to your younger self, what would it be?”

A: Thank you!


And there you go! Hindi ko isinama lahat due to personal reasons. Sana kahit papaano ay mas makilala ninyo ako sa pamamagitan nito! 😉